Biyernes, Setyembre 12, 2014

ANG BAWAT YUGTO NG AKING BUHAY

ANG BAWAT YUGTO NG AKING BUHAY








                  Ang buhay ko ay parang  isang Teleserye na kadalasang napapanood natin sa Telebisyon,may kwento ng kasiyahan,kalungkutan,at syempre hindi mawawala ang drama. Bago ko isalaysay ang  aking buhay nais ko munang ipakilala ang aking sarili,Ako si Maricel Samperoy Balansag ,labing walong taong gulang na,isinilang ako noong  Hulyo 01,1996,ako at ang aking pamilya ay kasalukuyang naninirahan sa Sandalan,Ibaan,Batangas. Pangalawa ako sa lima sa aming magkakapatid tatlo kaming babae at dalawa naman ang  kapatid kung lalaki. Ang nakakasama ko lamang sa bahay ay ang aking Ina,dalawang kapatid at ang pangalawa kong  tatay,ang panganay ko namang kapatid ay hindi na sa amin nakatira dahil nag asawa na at ang sunod naman sa akin na lalaki ay nasa Palawan na dahil mas ninais niya duon mag tapos ng pag aaral, Bryan ang  pangalan ng  kapatid ko na sunod sa akin sa lima sa aming magkakapatid siya lang ang pinakakasundo ko,mis ko na nga yung kaapatid ko na yon kahit na mag iisang taon na syang nasa Palawan  tinatawagan ko parin sya minsan para kamustahin ang kalagayan nya,kahit na minsan nag aaway kami  nung nandito pa sya sa Batangas mahal na mahal  ko parin sya,syempre mas nakatatanda ako kaya kaylangan ko sya intindihin,ang mga Tita at Tito ko nalang ang nag aalaga sa kanya doon.                                                  

  Parang isang dagok  sa buhay ko ang mawalan ng mapagmahal at maalagang Tatay,hindi naman sya namatay naghiwalay sila ni Mama nuong nasa Ikalawang baiting palamang ako nuon sa Elementarya ng Ibaan,Central,School.Naghiwalay sila ni Mama at “Daddy” sa kadahilanang hindi sila magkasundo sa lahat ng bagay ,masasabi  kong mabait at mapagmahal ang Ama ko,dahil sa ambubuting nagawa niya para sa amin,may mga araw na  na-iisip ko sya,dahil hindi ko alam kung nasaan na sya? Ayos  lang kaya sya ? marami akong tanong sa sarili ko na walang kasagutan,pero kahit na iniwan kami ni Daddy kahit kaylan ay hindi ako nag tanim ng  sama ng loob sa kanya dahil kahit anong kasalanan ang nagawa ng isang Ama ay ama parin sya na hindi ko pwedeng ikahiya dahil wala ako dito sa mundo kung wala sya.                              


Sa ngayon ay may pangalawa akong tatay mayron sya ng anak sa aking Ina yun ay angbunso kung kapatid,kahit na may pangalawa akong tatay ay hindiparinmaalissaisipkoangtotookongAma,dahilangtinuturing naming ama ngayon ay hindi namin kasundo at hindi naming gusto,dahil ayaw ko sa kanya kasi masyado syang istrikto at wala syang pakialam sa  amin  kaya kahit kailan ay hindi naming siya itinuturing na pangalawang ama,gayunman ay pinapakisamahan na lamang namin siya alang-ala sa aking  Ina. Kahit na ang buhay  ko ay ganito may kalungkutan at kasiyahan ay ayos lang lahat  naman kasi tayo ay dumadaan sa mga pagsubok,pero ang mga pagsubok nayan ay kaylangan nating malampasan at hindi dapat basta sukuan ,para ang kinabukasan natin ay may magandang kalalabasan. 
         Sa pagtungo sa panibagong landas ng buhay dumarating ang maraming problema na ating mararanasan at dito napapalapit tayo sa  maraming tao at isa sa pinakamahalaga ay ang magkaroon tayong mga kaibigan,sila yong mga taong laging nandyan kapag pakiramda mo susuko kana sa mga problema mo,kasama mo sila sa kalokohan,kasiyahan at minsan pa nga kasama natin sila sa mga tawanang walang humpay,sabi nga nila kung makatawa daw kaming magkakaibigan ay parang walang bukas para mag tira ng itatawa.

 Ako yong tipong tao nanapakaselo lalo na pagdating sa kaibigan,lalo pa kapag nakita ko sila na may ibang kasamang mga kaibigan at hindi ako pinapansin o binabati manlang galit na galit ako kapag nangyayare yon,sobra kasi akong mapagmahal sa kaibigan kaya halos lahat ng bagay na mayroon ako ay hindi ko ipinagdadamot sa kanila gaya nalamang sa mga kaeskwela ko kapag yong iba gipit sa pera pinapautang ko muna, kapag may sobra na akong baon ay hinahatian ko sila ang sabi nila ang swerte daw nila sa akin kasi nagkaroon daw sila ng isang kaibigan gaya ko namaalaga,mapagmahal,maalalahanin,at may takot sa Magulang lalo na sa Diyos.


 Kaya dapat habang maaga pa wag nating balewalain ang ating mga kaibigan dahil sila rin ang ating takbuhan sa oras ng ating pangangailangan,dati naman kasi hindi ako ganito kabaet sa kaibigan,mahiyain kasi ako at lagi akong napagtitripan sa eskwelahan ko noong nasa Elementarya ako hanggang hayskul pala ay hindi pa rin ako tinitigilan ng mga kaeskwela ko palagi parin nila ako pinagtitripan,hindi ko nga makalimutan nong tinapon nila yong nootbook ko sa labas tapos nabasa pa ng ulan,tinago rin nila yung tubigan ko sa basurahan at matapos noon ay iyak ako mangiyak,pumunta nalang ako sa simbahan para magsimba at simula noon ay napalapit na ako sa Diyos,dahil sa mga maling ginagawa nila sa akin ay pinabayaan ko nalang sila sa mga maling ginawa.
Sa kasalukuyan ako ay patuloy na nakikibaka sa hamon ng buhay at nagsisikap sa aking pag-aaral. Naging isang matatag sa kabila ng lahat ng mga nagyari sa aking buhay. patuloy na nangangarap ng buong pagsisikap na ito ay magkaroon ng katuparan. Maaring malayo pa ang aking tatahakin at marami pang pagsubok ang aking haharapin subalit handa akong harapin ang mga ito ng buong tatag.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento